Nilagay ko dito na hindi nakasalin sa Ingles. Kung babasahin ng maigi, mas damang dama ang nais ihatid ng may-akda.
- Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy (puno) na walang lilim, kundi (man) damong makamandag.
- Ang gawang magaling na nagbubuhat sa paghahambog o papipita sa sarili (paghahangad na makasarili), at hindi talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan.
- Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa't pangungusap sa talagang Katuwiran.
- Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkakapantay; mangyayaring ang isa'y hihigitan sa dunong, sa yaman, sa ganda; ngunit di mahihigitan sa pagkatao.
- Ang may mataas na kalooban, inuuna ang (dangal o) puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili kay sa puri.
- Sa taong may hiya, salita'y panunumpa.
- Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala'y mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan nay di na muli pang magdadaan.
- Ipagtanggol mo ang inaapi; kabakahin (labanan) ang umaapi.
- Ang taong matalino’y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin; matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.
- Sa daang matinik ng buhay, ang mga magulang ang patnugot ng mag-anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, and patutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.
- Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuwang at karamay (ng lalaki) sa mga kahirapan nitong buhay; isaalang-alang mo nang buong pagpipitagan ang kanyang (pisikal na ) kahinaan, alalahanin ang inang pinagbuhatan at nag-iwi sa iyong kasanggulan.
- Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba.
- Ang kamahalan ng tao'y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng Diyos, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa: wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking gubat at walang nababatid kundi sariling wika, yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri, yaong di nagpaaapi't di nakikiapi; yaong marunong magdam-dam at marunong lumingap sa bayang tinubuan.
- Paglaganap ng mga aral na ito, at maningning na sisikat ang araw ng mahal na kalayaan dito sa kaaba-abang Sangkapuluan at sabugan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang magkakalahi't magkakapatid, ng liwanag na walang katapusan -- ang mga ginugol na buhay, pagod, at mga tiniis na kahirapa'y labis nang matutumbasan.
Felipe de Leon Jr., one of our lecturers in the training program has this to say about ideology (italics mine):
A national ideology is a relatively stable system of ideas and principles often formulated by a government to serve as guiding force for the nation. Its aim is to define how the nation must live, ideas it should follow to achieve full self-realization. It is intended to harmonize the nation through a system of values that corresponds to the national character of the people concerned. Only in this case will the full self-realization of a nation be possible.
Jacinto's Cartilla accomplishes this because it recognizes our values that we hold deeply. I'm particularly struck by the last tenet:
Paglaganap ng mga aral na ito, at maningning na sisikat ang araw ng mahal na kalayaan dito sa kaaba-abang Sangkapuluan at sabugan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang magkakalahi't magkakapatid, ng liwanag na walang katapusan -- ang mga ginugol na buhay, pagod, at mga tiniis na kahirapa'y labis nang matutumbasan.
Matutupad din ito.






